3.24.2006

Movie Marathon

After our Finals exam yesterday, Jecha, Marlyn and I headed to SM to eat lunch. Dahil sawa na kami sa McDo, we decided to eat na lang sa Tokyo Tokyo.

Dapat manonood pa kami ng movie after, kaso walang horror... SM Sucat lang kasi, ang pinakamalapit na SM sa amin.

So we decided na lang to go to Marlyn's house. Pumili kami sa collection nila ng mga DVDs. For many hours, we watched:

-Scary Movie 3 : stars

(Corny pala! Masyadong OA! Sabi ni Marlyn, maganda raw iyong una.. Grabe, would you believe hindi ko pa napapanood iyong part 1 and 2?)

-13 Going on 30 : stars

(Astig pala talaga toh! I soooooo love it na.. *thinking: Ross, I can't believe this! Parehas na tayo ng fave!* Haha.. Dagdag sa mga fave movies sa profile ko! Well, I don't know about you pero for me, nakaka-touch kasi talaga eh..)

-Sleepover : stars

(Even though I've already watched it.. pinanood pa rin namin. Kasi Jecha haven't watched it yet. Pero kung ako lang, eversince talaga... di ko na type iyong movie. Ewan ko. Basta pag chick flicks ang pinag-uusapan, sa Mean Girls pa rin ako. *winks*)

Actually nakaka-more than half na iyong Sleepover no'ng mag-6pm last night. Eh favorite pala ni Marlyn iyong "Le Robe", so pi-nause iyong Sleepover at 30 minutes (well, not exactly..) kaming nanood ng "Le Robe".

Honestly speaking, I seldom watch Tsinovela, Koreanovela or whatever Asianovela... kahit nga anong telenovela wala akong inaabangan eh. Nako-kornihan kasi ako. Well, syempre exemption iyong Meteor Garden noon. Uso eh! Saka cute no'ng umpisa.. kaso naging corny kaya ngayon, wala na akong kahilig-hilig manood ng mga ganyan.. Sa umpisa lang sila magaling, pero pag tumatagal nawawala na iyong "spark" ng isang show.

Anyway, where am I?

Ah basta. We just finished watching Sleepover. Then, umuwi na si Jecha at ako naman, tinawid ko ang ilang steps papuntang bahay namin. Katapat lang kasi. ;p

I just ate dinner then balik na uli sa harap ng TV. (Bakasyon eh!) This time, I'm with my two younger brothers. We watched Dawn of the Dead : stars.

Astig iyong movie kaso may part na medyo asar ako. Biruin mo, nakuha pa nilang magkaroon ng "normal na buhay" sa loob ng inokupahan nilang mall samantalang sa labas.. sa paligid no'ng mall, nagkalat lahat ng zombies. Ilang zombies rin iyon ah. Dami non.

Pero sabi nga ng mom ko: "Marunong ka pa sa direktor!"

Actually, I enjoyed watching the movie naman. Partly because both of my brothers spent the whole time clinging onto my arms. Nakakatawa nga eh. When the zombies appeared, they wouldn't look. I actually think they missed half the film.

Two scaredy rats! Haha.. (Yabang!)